Internet Polyglot
Internet Polyglot ay naglalayong makatulong sa aming mga miyembro upang matuto ng mga banyagang Wika sa pamamagitan ng pagbibigay daan upang mamemorya ang mga salita at ang mga ibig sabihin nito. Makakatulong ito sa iyong memorya upang makakuha ng madaming mga impormasyon at mailagak ito sa mahabang panahon sa pag-iisip.

Simulan
Kamilitan ay gumagamit tayo ng mga flashcards upang makaalala ng mga impormasyon na kailangan. Ang Internet Polyglot ay pinalawak ang ideyang ito sa pamamagitan ng prosesong mas kaaliw-aliw: hindi lamang na ang digital na flashcards ay madaling gamitin dahilan sa ito'y digital, ngunit ang mga laro ay ginawa upang mapabilis ang proseso ng pagkatuto sa paraan na mas kapanapanabik at nakakatuwa. Dagdag pa, Ang Internet Polyglot ay naaalala ang iyong mga resulta, at ginagamit ang mga data na ito upang turuan ka pa ng tungkol sa mga salitang ito ng husto kumpara sa mga salitang pamilyar ka na.

Banyagang Wika
Ang Internet Polyglot ay dinesenyo upang tulungan ka na matutunan ang mga banyagang wika na iyong nais. Maaari kang matuto ng Spanish, Pranses, Intsik o Ingles kahit na ang Ingles ay iyong pangunahing wika at maging isang totoong polyglot. Kapag gumawa ka ng iyong mga leksyon ilagay mo ang wikang nais mo para sa mga salitang nais mong i-translate. Halimbawa, kung nais mong matuto ng wikang Espanyol kailangan mong lumikha ng mga leksyon na ang Espanyol ang mga salitang wika at gamit ang Ingles na pang translate. Kung nais mo namang matuto ng wikang Ingles at ang iyong sariling wika ay Espanyol kailangan mong gumawa ng mga leksyon gamit ang Ingles na pangunahing salita at Espanyol at Espanyol bilang pang-translate na wika. At kung ikaw naman ay nagsasalita na ng wikang Ingles ngunit nais mo pa itong mapaunlad, gumawa ka ng mga leksyon gamit ang Ingles na pang-translate na wika. Ang pag-aaral ng wikang Ingles ay isang pang-habambuhay na proseso at hindi dapat ipagsawalang bahala.

Pumili ng Wika

Mga Leksyon

Ang Aking mga Leksyon

Dito ka makakagawa at makakapagbago ng mga leksyon, at ipapamahagi mo sa iyong mga kaibigan. Dito ka rin magsisimulang magmemorya ng mga salita: paki-pili ng isa o higit pa sa mga leksyon gamit ang mga kahon na pagpipilian, pumili ng uri ng laro na nais mong gamitin, at i-click ang "Simulan." Dapat ay ikaw ay nakalogin na bilang isang rehistradong miyembro upang mapamahalaan mo ang iyong mga leksyon.

Pumili ng Wika

Dito ay makikita mo ang na mga leksyon na maaari mong tingnan: mga pampublikong leksyon na gawa ng iba, mga leksyon na ibinahagi sa iyo ng direkta, at mga leksyon na ginawa mo. Bukod dito, maaaring maging isang mabuting ideya kung lalaruin mo ang reverse na mga leksyon. Upang makapaglaro ng libre online wikang laro, pumili ng isa o higit pa sa mga kahon katabi ng pangalan ng leksyon, pumili ng uri ng laro at pindutin ang Simulan na pindutan.


Magrehistro
Iminumungkahi namin na maging isa ka sa mga miyembro ng Internet Polyglot. Ang mga benepisyo ng pagiging isang miyembro ay ang mga sumusunod :

  • Paggawa at pamamahala sa iyong mga sariling leksyon. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga salita sa Internet Polyglot kapag ito'y iyong nakasalamuha, hindi mo na kailangan pang umasa sa mga leksyon ng ibang mga miyembro upang matutunan ito, lalo pa na hindi naman madalas na mayroon sila ng mga salitang iyong kailangan.
  • Isang function na nagbigay daan sa Internet Polyglot upang maalala ang iyong mga resulta habang ikaw ay naglalaro ng mga pangmemoryang mga laro, at upang maibigay sayo ang mga salitang mas nahihirapan kang matandaan. Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangan pang magtungo sa mga salitang alam mo na, at makakapgpokus ka sa mga salitang kailangan mo pang matutunan.
  • Ang kakayahang mamarkahan ang mga leksyong likha ng iba.
  • Ang kakayahan ng isang guro sa wika na gumawa ng mga leksyon para sa kanyang mga mag-aaral na may direktang kinalaman sa mga bagay na pinagaaralan, at makakatulong sa mga mag-aaral na mapabilis ang pagkatuto sa mga salitang ito.
Rehistro

Ang Internet Polyglot ay hindi dapat
  • Ang Internet Polyglot ay hindi dapat gamitin sa pansarili lamang upang matuto ng mga banyagang wika. Ito ay ginawa upang makatulong sa pagmememorya ng mga bagay, hindi upang ito'y matutunan. Dapat ay nauunawaan mo na ang pinaguusapan,at alam mo ang bagay: saka pa lamang ikaw matutulungan ng Internet Polyglot na ito'y matandaan. Iminumungkahi namin na gamitin ang programang ito kasabay ng iyong mga paboritong kurso ng wika, o habang aktibo sa pagbabasa ng isang aklat. Ang aktibong pagbabasa ay isang daan kung saan ikaw ay patuloy na nagchecheck ng mga kahulugan ng mga salitang hindi mo nauunawaan. Gamitin ang Internet Polyglot ng tuloy-tuloy upang mapag-aralan ang mga salitang ito at mamemorya ang mga kahulugan nito.
  • Ang Internet Polyglot ay hindi dapat gamitin bilang isang Ingles na diksyunaryo, or Espanyol na diksyunaryo, o Pranses na diksyunaryo, o sa kahit na ano pang wika. Maraming mga online na diksyunaryo sa internet kung saan ka makakahanap ng Espanyol o Pranses na pagsasalin ng mga salita.